Kapag nawalan ka ng trabaho bukas, ano ang Plan B mo?

Nitong mga nakaraang buwan, hindi na lang sa balita natin nakikita ang mga layoffs o tanggalan sa trabaho. Marahil may kakilala ka na, o baka sa mismong company mo ay may mga mesa nang nababakante.
Mula sa malalaking kumpanya hanggang sa mga local offices, ang “job security” ay unti-unti nang nagiging isang ilusyon.
Ang masakit na realidad? Napakabigat maghanap ng bagong trabaho ngayon. Hindi lang ikaw ang nag-a-apply. Libo-libong tao ang kasabay mong nakikipag-unahan sa iisang posisyon.
Ang dating dalawang linggong paghihintay, ngayon ay inaabot na ng anim na buwan o higit pa. At habang naghihintay ka, ang bills, upa, at pagkain ng pamilya ay hindi naman tumitigil.
Bakit kailangan mong “maghukay ng balon” habang hindi ka pa nauuhaw?
Huwag mong sisihin ang sarili mo kung nakadepende ka lang sa iisang sahod ngayon—ganito tayo pinalaki:
“Anak, mag-aral kang mabuti para makahanap ng magandang trabaho.” yan ang turo ng mga magulang natin sa atin.
Pero ngayong alam mo na hindi sapat ang may trabaho lang, dapat mo nang tanggapin na kailangan mong magkaroon ng sariling ‘Safety Net’
May matandang kasabihan: “Huwag kang humukay ng balon (water well) kapag uhaw na uhaw ka na.” Dahil kapag tuyo na ang lalamunan mo at wala ka nang pera, ang utak mo ay papamasok na sa “panic mode.”
Kapag desperado ka, doon ka nagiging biktima ng mga Fake Gurus na nangangako ng mabilisang yaman kapalit ng huling pera mo.
Ang pinakamagandang oras para bumuo ng Plan B ay NGAYON—habang may pambayad ka pa ng bills, habang kalmado ang isip mo, at habang may sumisweldo pa sa iyo.

 5 Paraan Para Kumita Online (Mga Simple Lang ang Pag-aralan):
Hindi mo kailangan ng diploma o mataas na tech skills para simulan ang iyong Plan B. Narito ang mga income sources na kayang-kaya mong gawin gamit lang ang iyong cellphone:
Shopee o Lazada Affiliate: Mag-share ka lang ng mga links ng mga gamit na subok mo na o maganda ang quality. Kapag may bumili gamit ang link mo, may komisyon ka. Wala kang ilalabas na puhunan at hindi mo kailangang mag-stock ng produkto.
TikTok Product Reviewer: Ipakita mo lang sa video ang mga gamit mo sa bahay at sabihin mo ang tapat na karanasan mo. Maraming tao ang mas nagtitiwala sa simpleng review kaysa sa mga patalastas. Bawat benta sa “Yellow Basket” mo ay kita para sa pamilya mo.
Digital Reselling (E-Load at Bills Payment): Halos lahat ng tao ay kailangan ng internet at load. Gamit ang iyong smartphone, pwede kang maging loading station sa inyong barangay o kahit sa mga katrabaho mo sa break time.
Facebook Marketplace “Pasabuy”: Kung may malapit na bilihan ng murang gamit o ukay-ukay sa inyo, picturan mo ito at i-post sa Marketplace. Kapag may nag-order, saka mo bilhin at i-deliver (o pa-ship). Ang puhunan mo lang dito ay sipag at oras.
Affiliate Marketing (The Recommended Diskarte): Ito ay ang pag-recommend ng mga digital na produkto, kurso, o apps na nakakatulong sa iba. Halimbawa, kung may alam kang app o online program na nakatulong sa iyo, pwede mo itong i-share sa iba. Kapag sila ay nag-enroll o gumamit nito, may tapat kang komisyon dahil nakatulong ka.

Ang Blueprint Para sa Iyong Plan B: Maging Isang “Interpreneur”
Ang 5 income sources na ito ay madaling simulan, pero bakit marami pa rin ang sumusubok pero hindi kumikita? Dahil karamihan ay tumatalon agad nang walang sistema.
Hindi sapat na “masipag” ka lang; dapat ay mayroon kang tamang guide para hindi masayang ang pagod mo at hindi ka maligaw sa mga maling turo sa internet.
Dito pumasok ang konsepto ng Interpreneurship—ang sining ng pagiging internet entrepreneur habang ikaw ay tapat na nagtatrabaho bilang empleyado.
Sa Digital Diskarte, binuo namin ang isang sistema para sa mga ordinaryong manggagawa na gustong magkaroon ng seguridad sa buhay nang may integridad.
Gusto naming ipakita sa iyo ang eksaktong hakbang kung paano simulan ang iyong online safety net nang 1-2 oras lang bawat gabi, nang hindi mo kailangang iwan ang trabaho mo ngayon.
Huwag mong hintayin ang memo ng HR bago ka magkaroon ng sariling diskarte. Simulan mong i-secure ang kinabukasan ng pamilya mo at putulin ang cycle ng pagdepende sa iisang pirma ng kumpanya.
ALAMIN ANG DISKARTE:



Whoa, the slots at 888slots77 are crazy good! Loads of different themes and they seem to pay out pretty fairly. Definitely worth a spin. Explore them here 888slots77.
Betvipceo, eh? Sounds fancy! Hoping this CEO life translates to some sweet jackpots. Let’s see if they live up to the hype. Good luck to all who play!betvipceo
Rizonacasino caught my eye recently. I tried out a free demo and had a great time. Looking to play something new? Check this out rizonacasino
Honestly the best experience I have had with slots recently. The payouts are fair and the interface is super smooth. Check out phggjili for a great time.
Finally a site that doesn’t lag during peak hours. The login process is quick and everything just works perfectly on my phone. I always use jili30login for my daily gaming sessions.
I love how easy it is to navigate this site. Had a great run last night and the bonuses are actually fair. Check out bd499bat if you want some action.
The login process is super quick and hassle-free. I appreciate the security measures they have in place, it makes me feel safe while playing. Love it here at loginkratonbet
Really loving the variety of options available here. It keeps things exciting and I never get bored. Cheers to the team at bdzb777 for this awesome experience.
Solid experience so far. The loading times are short and the gameplay is fluid. Definitely my new go-to spot bdacc444
I have been bouncing around between different sites for ages until I found this hidden gem. The navigation is so intuitive and the game selection keeps getting better every single week. It really does feel like playing at a friend’s house zambaapuestas