Bakit Mukha Kang "Scammer" Kahit Legit ang Business Mo? (The "Disconnect" Reality)

Masakit pakinggan, pero kailangan nating pag-usapan.
May kilala akong networker. Tawagin natin siyang Juan.
Si Juan ay masipag. Legit ang company niya. Maganda ang products niya. Araw-araw siyang “hataw” sa pag-iinvite at pagpopost.
Isang araw, nakahuli siya ng “Big Fish”—isang prospect na OFW sa Dubai na sawa na sa abroad at gusto nang mag-invest ng malaki sa business.
Sabi ng prospect: “Sige Juan, I’m ready to join. Send mo sa akin details para makapag-bayad ako.”
Tuwang-tuwa si Juan! “Jackpot!” sabi niya. “Ito na ang breakthrough ko!”
Pero nung sinend niya ang payment details, dito na nagkaproblema.
Ang binigay niyang email para sa transaction:
juan_hustler_benta_mode@yahoo.com
At nung tinanong ng prospect kung pwede ang Credit Card o PayPal (kasi nasa abroad siya), ang sagot ni Juan:
Â
“Ay sorry Ma’am, GCash lang po.”
Â
Anyare?
Biglang tumahimik ang chat. Lumipas ang isang oras. Walang reply. Lumipas ang isang araw. Seen zone.
Hindi dahil walang pera ang prospect. Kundi dahil nawalan siya ng tiwala kay Juan.

The “Disconnect” Reality
Nakaramdam ang prospect ng tinatawag na “Disconnect”.
The Disconnect happens when your promises sound BIG—but your setup feels SMALL.
Nag-aalok si Juan ng “Global Business” at “Financial Freedom.”
Pero ang setup niya ay pang-sari-sari store.
Ang email niya, tunog “jejemon” o hindi seryoso.
Ang payment method niya, manu-mano.
Sa mata ng prospect: “Kung legit na negosyo ito, bakit parang hindi professional ang kausap ko? Scammer ba ‘to?”.
Sayang ang sipag ni Juan. Sayang ang puyat. Natalo siya hindi dahil sa marketing plan, kundi dahil sa Identity niya.
Don’t Be Like Juan.
Â
I’ve seen this pattern over and over—sa networkers, freelancers, coaches, at online sellers—lalo na yung may totoong produkto pero walang sistema.
Maraming online sellers ang nai-stuck sa level ni Juan. Gustong kumita ng pang-Professional, pero pang-Amateur ang gamit.
Tandaan: Trust is hard to earn, but very easy to lose.
Kung gusto mong seryosohin ka ng mga high-ticket clients, kailangan mong magsuot ng Armor. Kailangan mo din magtayo ng Digital Headquarters .
Hindi ka mahina. Hindi ka scammer.
Pero kung amateur ang setup mo, amateur ang trato sa’yo.
Paano?
Sa Book 2: The Foundation, ituturo ko ang solusyon para hindi ka matulad kay Juan.
Chapter 1: Paano palitan ang “Jejemon Email” to a Corporate-Level Email gamit ang “2-Minute Drill”.
Chapter 2: Paano mag-setup ng Global Wallets para makatanggap ka ng payments mula sa kahit saang bansa.
Chapter 3: Paano i-separate ang “Business Page” sa “Personal Profile” para hindi ka ma-mute ng friends mo .
Libre lang ang ebook na ito. Huwag mong hayaang ang susunod na “Big Fish” mo ay mawala pa dahil lang sa maling email address.
Huwag mong hayaang mangyari ulit ‘to—lalo na kapag mas malaki na ang pera na nasa harap mo.
P.S. Seryoso ka bang gusto mong magmukhang Professional? Simulan natin sa pagtayo ng iyong Digital Headquarters. Click the button above to start.



gusto ko matuto basta tagalog lang po.
Hi Julieta, yan tamang attitude always willing matuto. Don’t worry karamihan naman ng tinuturo ko dito ay tagalog.